Breaking News
recent

CONFIRMED:Duterte pinagbibitiw ang lahat ng Opisyales ng PhilHealth hanggang 3pm ngayong Lunes..


Loading...

Malalaman ngayong hapon kung ano ang magiging kapalaran ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.


Sinabi ni Senator-elect Bong Go na dalawang bagay lamang ang pagpipilian ng mga opisyal ng Philhealth at ito ay ang magbitiw sa puwesto o ma-terminate sa kanilang trabaho.

Dismayado aniya si Pangulong Duterte matapos mabatid na malaking pondo ang nawala sa ahensiya dahil sa “upcasing” ng mga sakit para makakubra ng malaki ang ospital o clinic, kasabwat ang ilang empleyado at opisyal.

Advertisement
Loading...
Ang “upcasing” ay ang pagpapalit ng sakit na ilalagay sa record ng miyembro para makasingil ng mas malaki sa PhilHealth, gaya halimbawa ng simpleng ubo ay gagawing pneumonia.

Sinabi ni Go na inatasan siya ng Pangulo noong Sabado para abisuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na magsumite ng kanilang resignation letter.

“Ngayong hapon po ay ipapatawag ni Pangulong Duterte ang lahat ng board members ng PhilHealth.
Advertisement
Loading...
Kilala ko po si Dr. Rey Ferrer, nakausap ko po siya noong Sabado ng gabi inutusan po ako ni Pangulong DUterte na sabihan sila na magsumite na lang sila ng kanilang courtesy resignation. Lahat po sila, lahat ng board members ng PhilHealth. Papakinggan po ni Pangulong Duterte ang paliwanag nila,” ani Go.

Pakikinggan aniya ng Pangulo ang paliwanag ng mga PhilHealth officials subalit desidido itong palitan silang lahat.

Umamin aniya si Dr. Ferrer na nalusutan sila kaya nangyari ang malaking pagkawala ng pondo sa PhilHealth.

“Sabi naman niya (Ferrer) ay ginawa nila ang lahat. Gumawa sila ng anti-fraud teams na tututok dito sa fraudulent claims, subalit admittedly, sabi niya nalusutan talaga sila,” dagdag pa ni Go.



Source:tnt.abante.com.ph

Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
vgbit143

vgbit143

28 komento:

  1. Dear Mayor Duterte:

    Sa aking sariling pagkaunawa, sa sinabing, “malaking pondo ang nawala sa ahensiya dahil sa “upcasing””

    Kung hindi po ako nagkakamali, hundreds of million pesos or baka billion pesos pa ang sadyang ninakaw sa Philhealth ng mga dambuhalang magnanakaw?

    Kaya para sa akin hindi po sapat na parusa sa kanila ang:

    magbitiw sa puwesto o ma-terminate sa kanilang trabaho?

    Dapat po sa kanilang lahat ay makulong at dapat lahat din ng hospital & clinics na involve sa nasabing “upcasing” kuno ay maparusahan din.

    Dahil kung sapat na, na kaparusahan ang “magbitiw sa puwesto o ma-terminate sa kanilang trabaho” ang mga dambuhalang magnanakaw na yan?

    Eh ano naman po ang dapat ninyong gawin sa mga taong nakakagawa ng masama (nagnanakaw) para lang makabili ng pagkain, para lang mabuhay?

    Nagnakaw para lang mapag aral ang mga anak nila?

    Nagnakaw para lang may pambayad sa hospital dahil walang Philheatlh etc.?

    Nagnakaw para lang may pambili ng gamot (maintenance) etc.?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Agree po ako. Dapat po ay maimbistigahan at makulong ang nagkasala para maging diterent at warning sa ng nga gagawa ng corruption. Nawala nang takot/diciplina ang mga tao.

      Burahin
    2. prng aq noong 2012 naoperahan at nacesarian.binyran nmin ang bills q dhil nkaprivate kmi pero nsakop lhat ng philhealth ung 60k.hindi naayos ng asawa q pra mairefund sana ung 60k.ang tanong knino npunta ang 60k.dhil ngpdla ng sulat smin ang philhealth n binyran nla ang 60k.samntalang binyran din nmin ang hlagang 60k.hlos utang nmin ung pinmbyad nmin.dhil umasa kmi n mkakarefund pero d pla.nkakalungkot isipin n pra smin mga nangangailngan sna ang pera n iyon bgkus ang nkikinabang ay ang mga tiwaling opisyal.kya paano uunlad ang ating bansa kung sa mga nkaupong opisyales ay mpagkamkam ng kaban ng bayan.

      Burahin
    3. Pwede po ba babaan Ang halaga ng voluntary sa Gaya ko na Wala nmang malaking pinagkakalitaan? 300 na PO Kasi a month. ,1,200 lng Kasi Ang gana ko bilang sweeper. Bka pwede po ibalik sa 200 pesos a month. Salamat po

      Burahin
  2. Dapat mawala na MGA Yan sa listahan Ng gobyerno.
    Kaya Pala IPA mandatory ang Philhealth samin MGA ofw para makabawi sila malaking Pondo na nawala imagine 10,000 per yr Anu to kagaguhan Hindi na Ito tama

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kahit 1 time nalng hindi ako naka benefit sa philhealth 20yrs as ofw laki pa ng caltas sa seafarers...

      Burahin
  3. Hindi sapat ang magbitiw lang. Dapat makulong ang mga nagsabwatan!

    TumugonBurahin
  4. I support this move of the president to remove from office all of these board members of philhealth. Ito ay para linisin ang ahensya sa mga corrupt na officials nito at para gumanda ang serbisyo ng philhealth para sa taong bayan.

    TumugonBurahin
  5. Parusa ang katapat bitay sa magnanakaw...

    TumugonBurahin
  6. Di sapat ang resignation.. Dapat makulong ang mga involve dito, marami ang naghihirap para lang makakain ang pamilya tapos sila million o billion ang ninakaw nila walang parusa?.. That's why I hate drugs 😣

    TumugonBurahin
  7. Dapat ibalik sa amin mga binayad namin Ng katagal Ng panahon,1,200 sa aming mga OFW isang taon,ninanakaw lng nman pala,di isuli na lng sa lahat Ng mga member Ng phealheath para magamit namin San pagpapaaral Ng anak namin

    TumugonBurahin
  8. Linisin ang philhealth. Alisin Ang mga walang kwentang kawani. Sampahan ng kasong criminal ang mga opisyales at mga taong nagsabwatan at nakinabang sa upcasing. Ipaalam sa taong bayan ang update ng nito. Kailangan talaga ang kamay na bakal para magkaroon ng takot gumawa Ng masama ang mga taong nasa gobyerno.

    TumugonBurahin
  9. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  10. Sa Province ng Sultan Kudarat rampant yan!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka mam dapat imbestigahan lahat hospital yong credible team mag imbestiga hindi madala sa pera.

      Burahin
  11. Matagal ng nagnanakaw mg pondo ng Phil health ang matatakaw n yan yang mga nasa pwesto....dapat sa knila makulong...tulad namin ofw kami ang mga bayaning sinasabi nyo nagdadala kami ng dollar s pinas ...at malaking tulong ito sa economy ng pinas...bakit kami walang Phil health....king meron man madagdagan pa daw ang mga contributions namin....bakit....para saan ....pls president digong...help mk naman kami mga ofw n sana maging free n Phil health ng bawat isa ofw at ng members ng family namjn...enshaallah...🙏🙏🙏🙌🙌🙌

    TumugonBurahin
  12. Kaya pala hindi nila binalita sa amin mg OFW na basta nalang may bago clang policy na ang babayaran namin mga OFW per contract cla mag base e yun 60k pataas mag bayad nang 21k, kaya no choice kami nag bayad lang muna ako nang 2800 pero may utang pa ako nang almost 19k grabe naman.

    TumugonBurahin
  13. WAG PO SANANG KALIMUTAN NA SI RIZA HUNTIVIRUZ AY ISA RIN SA MGA INVOLVED SA PHIL HEALTH NA YAN! MGA HINAYUPAK!

    TumugonBurahin
  14. Tama lang ang palitan silang lahat .kung puede lang every five years palitan ang bawat nagtratrabaho sa gobyerno.para walang problema

    TumugonBurahin
  15. Ganyan tlga ang sakim sa kayamanan ,bsta mataas ang pinag aralan tumataas din ang dunong ,kung kaya naghangad pa ng dunong paano makapg nakaw ng simple

    TumugonBurahin
  16. Kung maayos ang systems and procedures ng PhilHealth, walang dahilan makalusot ang mga anomalia sa ahensya.Performance at management audits bago ayusin ang system and procedures ang dapat ginawa!!! Dapat ay may Integrity Promotion Program sa loob ng ahensya!!!

    TumugonBurahin
  17. palusot lang yan sinadabing nalusutan, imposible na wala siya ng kinalaman dyan..

    TumugonBurahin
  18. kapag po ba normal delivery and ligate ang mother ., tapos po si Baby naka dim-light for 2weeks kasi madilaw po sya .. tapos umabot po ng 48,000 ang bill ., Tama po ba na 9,000 lang yung manggagaling sa philhealth .?

    TumugonBurahin
  19. Kaya pala gagawin daw mandatory ang phil health saming mga ofw,22kphp daw kada taon,at dipende rin daw kung gaano kalaki ang sweldo ng bawat ofw!mga hinayupak mga to!

    TumugonBurahin
  20. Buang buang nang philhealth, imbes na maka tabang sa mga tao ilabi na sa mga ofw, grabe na hnuon ka daku ang contribution, mao nay pag babago, kinsa pay ganahan mo bayad ana, lamona na nu philhealth, mao raman japon daku tag bayad pero gamay ray benepisyo makuha, yawa mo taga philhealth

    TumugonBurahin
  21. Eto po ba yung sa june 10, 2019 na issue sa philhealth or bago napo ito? Diba nag resign na c dr. Ferrer?

    TumugonBurahin
  22. Matagal nang kalakaran yan ngayon lang na confirm? dapat lahat yan sila kasuhan nang syndicated stafa pati hospital na gumagawa nang ganyan, baka mabankcrupt na iyang philhealth paano na mga deduction sa amin?

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.