Kamao ng Pagbabago
Shocking NewsLOOK: Retired Journalist may Ibinunyag tungkol sa mga Senador “Balita ko P50 Milyon Kada Ulo para sa ABS-CBN Franchise!”
LOOK: Retired Journalist may Ibinunyag tungkol sa mga Senador “Balita ko P50 Milyon Kada Ulo para sa ABS-CBN Franchise!”
Sa kanyang social media post, sinabi ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza na nakatanggap umano siya ng impormasyon na milyon-milyon daw ang ibinabayad para sa paghahain ng panaukalang batas upang mapalawig ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon kay SOnza, ang baltia daw niya ay umaabot hanggang P50 million ang ibinabayad para maihain lang ang panukalang batas.
Advertisement
Loading...
“Ayaw kong paniwalaan ang mga balibalitang nagpalitan ng kamay ang milyones para sa bagay na ito… Ayaw ko ring maniwala sa kumakalat na tsismis sa loob ng finance department sa lopez center na tigpipipti kada ulo ang patong sa bawat bentahan ng prinsipyo,” sabi ni Sonza. Nagpahapyaw din si Sonza sa mga leftist congressmen na kasapi ng Makabayan bloc. “Opo. totoo nga pala. Makabayan bloc filed another bill for the renewal/extention of the network company… Kaya ayaw kong paniwalaan dahil baka maniwala ang mga rebeldeng NPA na ipinagkanulo o ibinenta sila ng kanilang mga communist frontmen sa batasan complex,” dagdag pa ni Sonza. Kahapon ay lumabas sa ilang media outlets ang ulat na naghain ang Makabayan bloc ng bill para sa legislative franchise ng ABS-CBN.
Advertisement
Loading...
“The non-renewal of the ABS-CBN franchise will cost the jobs of some 6,730 regular employees, 900 non-regular workers, and more than 3,325 talents, basing on the number of employees listed under the media corporation’s report to the Securities and Exchange Commission and the Philippine Stock Exchange… Yet an even bigger ripple of the ABS-CBN shutdown is its cost to freedom of the press in particular, and to democracy in the country in general,” sabi ng mga kongresista ng Makabayan bloc. Matatandaang ilang beses ng nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tatablahin niya ang pagpapalawig ng prangkisa ng ABS-CBN. Ilan sa mga dahilan ni Pangulong Duterte ay ang hindi pagpapalabas ng kanyang campaign ads kahit na tinanggap daw ng ABS-CBN ang kanyang bayad.
Advertisement
Loading...
Umabot na sa 11 ang inihain na panukalang batas para franchise renewal ng ABS-CBN. Ang lahat ng ito ay nakabinbin sa kongreso at wala pang naisasagawang pagdinig ang lehislatura ukol dito. Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa Marso 30, 2020 .
Source: Jay Sonza | Archive | Manila Bulletin
Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento