Loading...

Ganito rin ang pananaw ni Magdalo Party-List Rep. Manny Cabochan.
Loading...
“Magiging lame duck yan at the midway point. Kasi after one year magsisimula na ang kampanyahan [para sa 2022],” boladas ni Zarate.
Ayon sa Manila Bulletin, ang lame duck ay isang public official na nawawalan na ng impluwensiya o otoridad dahil malapit nang magtapos ang termino nito.
Loading...
“Despite the pronouncement of the President that he already has an anointed [one], malakas pa rin yung ugong na mayroon pa ring mga gustong i-contest ito sa July 22… Tignan natin kung paano mailalantad dito yung pagiging factionalized ng Duterte administration-coalition,” banat pa ni Zarate.
Magugunita na nagkaroon ng mahigpit na tunggalian para sa pagiging House Speaker ng Kongreso sa pagitan ng mga kongresista na sina Alan Peter Cayetano, Lord Velasco at Martin Romualdez nitong mga nagdaang linggo. Iminungkahi na lang ni Pangulong Duterte na mag term-sharing sina Cayetano at Velasco. Ang unang 15 na buwan ay kay Cayetano habang ang nalalabing 21 na buwan ay kay Velasco.
Loading...
“May election pa sa July 22 at doon ako mas interesado, kung sino ang mananalo kasi may bali-balita, may isa na balak mag coup d’ etat on the day. Mukhang hindi pa tapos ang laban para sa kanilang 3 at sa mga backers,” sabi ni Congressman Duterte.
Pero nitong Hulyo 19 lamang, ibinunyag ni Cayetano na pumayag na si Congressman Duterte na maging Deputy Speaker for Political Affairs.
“Thank you very much Cong. Paolo ‘Pulong’ Duterte for our talk on what the country needs and how we can put together a very responsive Congress… Together we can all work towards a better Philippines and implement the President’s agenda,” sabi ni Cayetano.
Source: Manila Bulletin
Loading...
Loading...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento