Breaking News
recent

Breaking In:Pagte-test para sa COVID-19, libre na dahil ang gastos ay sasagutin na ng PhilHealth


Loading...

Kamakailan lamang, naiulat na magiging libre na ang bayad ng pagte-test para sa COVID-19 dahil ang magagastos dito ay sagot na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kaya naman hindi na kailangan mag-alala ng mga Pinoy para sa maaari nilang ibayad dito.

Sa isang pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang desisyon na ginawa ng PhilHealth ay parte naman ng pagkilos na ginawa ng Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 at para din mabawasan ang alalahanin ng mga Pinoy sa pagte-test sa kanila.

Layon din nito na hikayatin ang mas marami pang mga Pinoy na magpa-test para sa COVID-19.

Saad ng Cabinet Secretary noong Wednesday,

Advertisement
Loading...
“The President recognizes that everyone in the country is concerned about COVID-19 and the thre*t this poses to the health and lives of our loved ones, especially vulnerable individuals like senior citizens.”
Pagpapatuloy niya,

“Given this, the last thing we want is for our citizens to worry about medical costs and expenses. Their only concern should be their well-being and the well-being of their families.”

Sinabi rin ni Nograles, sa ngayon daw ay mabilisan na ang pagkilos na kanilang ginagawa para lamang makagawa pa ng mas maraming testing kits para mas mapadali nilang malaman kung ilan na ang mayroong COVID-19 sa bansa.

Sa magkaibang balita naman, naiulat nito lamang na inaprubahan na rin ng FDA ang testing kits para sa COVID-19 na ginawa naman ng mga local scientist kung saan ito ay pinondohan na ng Department of Science and Technology (DOST) nang sa gayon ay mas mapabilis pa ang paggawa nito.

Advertisement
Loading...
Ani Nograles,

“We are fast-tracking the deployment of these kits so these can be used at the soonest possible time. Per Dr. Destura of Manila Healthtek, the rapid diagnostic test kit for COVID-19 is set for field validation study, and that UP PGH and the National Institute for Health have agreed to support the study.”

Advertisement
Loading...
Ang testing kits naman na isinagawa ng UP ay nagkakahalaga lamang ng nasa Php1,500 kumpara sa presyo ng mga testing kits na ibinabahagi ng ibang bansa kung saan ito ay nagkakahalaga ng nasa Php8,000 hanggang Php30,000.

Noong Linggo lamang, idineklara na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang health emergency na ito sa buong Pilipinas.

Source: Pinoy Trend

Sponsor
Loading...
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
vgbit143

vgbit143

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Pinapagana ng Blogger.